PBL pre-season tournament ngayon
by Theodore P. Jurado
People's Journal
October 14, 2007
Mga laro ngayon:
(The Arena, San Juan)
12 n.t. - San Mig Coffee vs Burger King
2 n.h. - Hapee Toothpaste vs Toyota Balintawak
4 n.h. Pharex vs Harbour Centre
Magkakaroon ng pagkakataon ang mga koponan para sa nalalapit na PBL First Conference na kilatisin ang isa’t isa sa pagdaraos ng premier amateur basketball league ng bansa ng pre-season tournament nito ngayon sa The Arena sa San Juan.
Maliban sa Bacchus Energy Drink at Philippine team, ang anim na iba pang koponan - Harbour Centre, Toyota Balintawak, Hapee Toothpaste, Burger King (Lina Group of Companies) at Pharex – ay lalahok sa one-day event na gagamitin nilang sukatan sa kanilang tsansa sa season-opening tournament.
“This will give them the chance to show their worth and scout their rivals,” wika ni Commissioner Chino Trinidad. “It’s going to be exciting because this is a one-day activity so everyone will be there to monitor the progress of each team.”
Magsasagupa sa opening game sa alas-12 ng tanghali ang San Mig Coffee (dating San Miguel-Magnolia) at Burger King, na susundan ng duelo ng Hapee Toothpaste at Toyota Balintawak sa alas-2.
Subalit ang atensiyon ay inaasahang nakatuon sa four-peat seeking Harbour Centre sa kanilang pagsagupa sa baguhang Pharex sa alas-4.
Hindi makapaglalaro sina Jason Castro, Beau Belga, Jonathan Fernandez, Chad Alonzo at Eric dela Cuesta, subalit ang Batang Pier ay inaasahang magpapasabog ng sorpresa, sa katauhan ni Mercado Solomon.
Ang 6-foot-1 na si Mercado, ayon sa isang team insider, ay ‘exciting’ at mapanganib sa perimeter.
Subalit ang Batang Pier ay mahihirapang magwagi ng ikaapat na sunod na kam-peonato dahil ang lahat ay nagpalakas ng kani-kanilang lineup.
Si Fil-Am Gabe Norwood ay maglalaro para sa Hapee; apat na players mula sa University of the East ang magpapalakas sa Bacchus squad; sasandal ang San Mig Coffee kay Ateneo’s Ford Arao, at ang Toyota Balintawak ay may pinaghalong ‘youth at experience’ dahil sa presensiya ng mga Letran at Jose Rizal University stars.
Maging ang Burger King at Pharex ay hindi dapat bale-walain dahil may mga players silang may kakayahang umiskor ng 20 points o higit pa.
Samantala, sinabi ni Hapee team manager Bernard Yang na si Norwood ay lumagda na ng kontrata sa koponan at nakatakdang dumating sa Martes o Miyerkules, tama lamang para sa opening sa Sabado.
No comments:
Post a Comment