This site is best viewed with Mozilla Firefox

Firefox 2
Google

Notice:

I will be away for the holidays for the rest of the week, so I won't have the chance to update my site. The news reel on the sidebar, however, is automatically updated real-time. CTRL-F5 to clear cache and show updated news.

I will be back on Monday next week.

Please keep supporting Twisted Hoops

Thursday, October 11, 2007

NBC-Spring laglag sa Taiwan

People's Journal
October 11, 2007

HUA LIEN, TAIWAN -- Nalaglag ang NBC-Spring Cooking Oil sa Hua Lien Probation basketball tournament dito sa nakapanghihinayang na pagkatalo nang dalawang beses.

Ang Cooking Oil Masters ni NBC president Nathaniel “Tac” Padilla ay natalo sa SBL’s Media, dating kilalang Eastern Antelopes, 114-115, sa double overtime at sa Malaysian national team, 80-82, nang mabigong makakuha ng kailangang suporta mula sa mga import na sina Steven Broom at Michael Anthony McDaniel.

Sa kabila ng nakakadismayang performance ng team, pinuri pa rin ni Padilla ang ginawang pagpursigi ng mga player, na nagpakita ng dibdibang paglalaro sa kabila ng malakas na kalaban.

“I am proud of the boys’ showing , especially in their last two games. It’s just unfortunate that our imports did not deliver,” sabi ni Padilla.

Sina dating PMI Admirals Larry Rodriguez at Nino Marquez ang namuno sa team na suot ang Champion Sportswear nang maka-average ng 18.4 at 18.0 points, ayon sa kanilang pagkakasunod.

Sina McDaniel at Broom ay naka-average ng nakadidismayang 11.3 at 10.8 points, ayon sa kanilang pagkakasunod.

Naapektuhan din ang Cooking Oil Masters nang magtamo ng kapansanan sina Marlon Kalaw at Marlon Legaspi sa kanilang laro laban sa Media. Pagkatapos ng unang overtime na natapos sa 96-all, ang mga Filipino ay nagkaroon na lamang ng pitong player - sina Rodriguez, Marquez, Mar Reyes, Jeff Tajonera, Dondon Villamin, EJ Feihl at Nelson Asaytono, na nagbigay ng kanilang best shot.

Sa kabila na kulang sa player, nakuha pa ring mag-laro nang husto ang NBC-Spring at pinahirapan ang Malaysian pero sa huling second shot ni Malaysian Soo Eng Heng ang nagbigay ng panalo.

Pinadapa ng Dacin Tigers ang Kyung Heeng Korea, 76-69, sa finals at nakamit ang titulo. Pumangatlo ang Media.

No comments:

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape