College Basketball Awards sa Oct. 25
People's Journal
October 18, 2007
Papagitna ang awardees mula sa UAAP champion La Salle at two-time NCAA titlist San Beda College sa pagdaraos ng 2007 Collegiate Basketball Awards sa Oct. 25 sa Waterfront Hotel (dating Manila Pavilion).
Pangungunahan ni Green Archers mentor Franz Pumaren ang cast, kung saan pinangalan siya na Coach of the Year makaraang igiya ang La Salle sa 2-0 sweep kontra sa University of the East.
Sina Red Lions stalwarts Ogie Menor at Yousif Aljamal ay pinangalan na Scoring Champion at Collegiate Mythical Team member, ayon sa pagkakasunod.
Naboto si Aljamal na miyembro ng elitikong first team ng UAAP at NCAA, kung saan kasama niya sina Mapua’s Kelvin dela Peña, UAAP MVP Jervy Cruz ng University of Santo Tomas, UE’s Mark Borboran at Ateneo’s Chris Tiu.
UAAP scoring champion naman si La Salle guard JV Casio, habang ang kanyang katropang si Cholo Villanueva ay bibigyan ng Mr. Clutch plum.
Si Green Archers slotman Rico Maeirhofer ang recipient ng Energy Player award, habang nasikwat ng kakampi niyang si TY Tang ang Super Senior plum.
Nahakot naman ni San Beda giant Sam Ekwe ang Defensive Player of the Year honors makaraang manguna sa NCAA sa rebounds at blocks.
Ang mga Managers of the Year mula sa dalawang liga ay sina La Salle’s Terry Capistrano at Hero Yu at San Beda’s Mike Advani.
Ang 2007 Collegiate Awards ay pinagtulungang gawin ng UAAP Press Corps, na pinangunahan ni Jasmine W. Payo ng Philippine Daily Inquirer, at NCAA Press Corps, na pinamumunuan ni Joey S. Villar ng Philippine Star, kung saan ang dalawang grupo ay binubuo ng mga sportswriters mula sa mga broadsheet at tabloid ng bansa.







No comments:
Post a Comment