This site is best viewed with Mozilla Firefox

Firefox 2
Google

Notice:

I will be away for the holidays for the rest of the week, so I won't have the chance to update my site. The news reel on the sidebar, however, is automatically updated real-time. CTRL-F5 to clear cache and show updated news.

I will be back on Monday next week.

Please keep supporting Twisted Hoops

Monday, September 10, 2007

Pals mag-aala-Spurs

By Rey Joble
People's Journal
September 10, 2007

Nagtungo si Alaska coach Tim Cone sa Los Angeles Lakers camp noong nakaraang season at nakopo ng Aces ang Fiesta Cup championship.

Sa pagkakataong ito, ang Talk ‘N Text Phone Pals, runner-up sa Aces, naman ang umalis at iginugol ang kanilang oras sa pag-aaral sa sistema ng NBA champion San Antonio Spurs.

“We’ve learned so many things while we were studying the system of the San Antonio Spurs,” wika ni Talk `N Text assistant coach Bong Ramos. “Good thing coach Derick is a friend of coach Gregg Popovich and Dell Demps, director of pro player personnel, as he was able to arrange these things.”

Ilan sa mga miyembro ng coaching staff na nagbahagi ng kanilang kaalaman sa Phone Pals ay sina Mike Budenholzer, Don Newman at Brett Brown.

Si Budenholzer ay lead assistant makaraang lumipat si PJ Carlesimo sa Seattle Supersonics, habang si Newman ay defensive coach at si Brown ay nangasiwa sa skills aspects.

Itinuturing na isang eksplosibong koponan, ang Talk ‘N Text ay muntik nang magwagi ng kanilang unang kampeonato magmula noong 2002 All-Filipino kundi nagmintis si Donbel Belano sa three-pointer, na nagbigay-daan upang makopo ng Alaska ang unang titulo nito sa loob ng pitong taon.

Sa pagbubukas ng 2007-2008 season sa Oct. 14, asahan ang mas agresibong Phone Pals sa defensive end.

“Alam naman nating `yun ang kulang sa atin, eh,” wika ni Ramos, patungkol sa depensa ng koponan na nangangailangan ng ibayong pagbabago. “We have a lot of talented players here who can step up, pero medyo mahina pa rin tayo sa depensa.”

Ang Spurs ay naging isang defense-oriented squad nang simulan itong hawakan ni Popovich.

Ang mga tulad nina Tim Duncan, Bruce Bowen, Tony Parker at Manu Ginobili ay hindi lamang itinuturing na mahuhusay na all-around players, kundi masisipag ding defenders.

“Lahat naman `yan ay mapag-aaralan,” sabi pa ni Ramos, dating head coach ng Air21 Express. “Even kaming mga members ng coaching nag-start pa rin kaming pag-aralan `yung sistema ng Spurs.”

Malaki ang kumpiyansa ni Talk ‘N Text board representative at dating league chairman Ricky Vargas sa koponan.

“I hope this was worth the trip,” ani Vargas, na kagagaling lamang sa isang business trip mula sa Hong Kong. “Maganda naman ang showing namin last time and I hope we can finally win the championship this time.”

No comments:

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape